Veteran Marcos lawyer and former Congressman Atty. Glenn Chong made avery interesting expose about the alleged connections between the controversial automated election operator Smartmatic and the Centrala Intelligence Agency.
According to Atty. Chong Smartmatic is considered as a company who is very loyal to the International Foundation for Electoral System (IFES). IFES is well known as an international NGO who aids and support the electoral process in different parts of the world.
IFES receives funding from the USAID which is closely connected with the CIA and the Department of State. These two agencies were controversial due to their connection with the CIA.
Here's the Complete Statement of Atty. Glenn Chong
KONEKSYON NG SMARTMATIC SA CENTRAL INTELLIGENCE AGENCY
Isang masugid na tagapagtaguyod ng Smartmatic bilang maaasahang elections provider ay ang International Foundation for Electoral Systems (IFES). Ang IFES ay isang international non-profit organization na itinatag noong 1987 at nakabase sa Washington, D.C. Ang organisasyong ito ay nagbibigay ng tulong at suporta sa halalan sa mga bago at umuusbong na demokrasya sa 145 bansa mula noong 1987.
Sa ngayon, ang kanilang programa ay ipinapatupad sa mahigit 30 bansa sa buong Asia-Pacific pati ang Pilipinas, Africa, Eurasia, Middle East at ang Americas. Taon-taon, nagpapalabas ang IFES ng Buyer’s Guide to Election Suppliers na ang layunin ay suportahan ang mga election commissions o election managers sa buong mundo sa kanilang pagnanais na makabili ng mga kalidad na produkto at serbisyo sa lahat ng yugto ng buong electoral cycle. Ang Smartmatic ay nasa Buyer’s Guide na ito bilang maaasahang supplier ng automated election system.
Ang IFES ay tumatanggap ng pondo, ayon sa kanilang website, mula sa mga donors tulad ng US Agency for International Development (USAID) at ng US Department of State. Karaniwang paniniwala na ang USAID ay may close working relationship sa CIA. Sa loob ng maraming dekada, ang mga ahente ng CIA ay nag-ooperate sa buong mundo bilang mga ahente ng USAID.
Noong 2006, isinailalim ng US Government, sa pamamagitan ng Committee on Foreign Investments in the United States (CFIUS), sa national security investigation ang pagbili ng Smartmatic International (Venezuela) ng Sequoia Voting Systems (California) sa halagang $16 million. Noong 2007, ibinenta ng Smartmatic International ang kanilang pag-aari ng Sequioa Voting Systems upang maiwasan ang imbestigasyon ng CFIUS.
Ito ay nangangahulugan lamang na epektibong pinagbawalan ang Smartmatic International na pumasok sa US market. Lumalabas na habang pinopondohan ng US Government ang IFES upang masugid na itaguyod nito ang automated election system ng Smartmatic sa mga bago at umuusbong na demokrasya sa buong mundo, pinagbabawalan ng US Government ang Smartmatic na makapasok sa loob ng US. (Up to this point, rephrased and translated from a briefing paper authored by Atty. Dindo Donato, General Counsel of Tanggulang Demokrasya/TanDem.)
Dahil sa koneksyon nito sa CIA, ang automated election system ng Smartmatic ay nagiging mabisang kagamitan upang impluwensiyahan ang mga halalan at maisakatuparan ang political agenda ng US Government sa mga target na demokrasya. Dahil sa ipinalabas na report ng Office of the Director of National Intelligence ng US Government na ang Pangulong Duterte ay banta o hadlang sa demokrasya sa Southeast Asia, ang koneksyon ng Smartmatic sa CIA/US Government sa pamamagitan ng IFES ay hindi dapat ibalewala ng ating pamahalaan. Hindi dapat ipagkatiwala ng ating pamahalaan ang ating halalan sa isang kompanyang sumusunod sa dikta ng CIA/US Government.
Noong July 30, 2017, nagkaroon ng botohan sa Venezuela, kung saan galing ang Smartmatic, upang pumili ng bagong constituent assembly upang baguhin ang kanilang saligang-batas. Ang Smartmatic ang nagsupply ng 24,000 voting machines para sa botohang ito. Tatlong araw matapos ang botohan, lumabas ang Chief Executive Officer ng Smartmatic International na si Antonio Mugica upang akusahan ang electoral council ng Venezuela na tinamper nito ang voter turnout ng botohan.
Ayon kay Mugica, dinagdagan ng electoral council ang voter turnout ng 1 milyong botante. Mariing itinanggi ito ng electoral council. Ano ang nag-udyok kay Mugica na itakwil at pabulaanan ang resulta ng botohan sa Venezuela gayong ang mga makinang ginamit doon ay ang kompanya niya mismo ang nagsupply at nagpatakbo? Nauna nang binantaan ni US President Donald Trump ang pamahalaan ni Venezuelan President Nicolas Maduro na maaring makialam ang US sa Venezuela upang tulungang makuhang muli ng mga tao ang kanilang bansa mula sa diktadorya. Tugon naman ni Maduro ay pinaghahanda nito ang militar ng Venezuela para sa giyera laban sa US. Kumampi naman ang Russia sa Venezuela matapos ipatupad ng US ang unilateral sanctions laban sa Venezuela. Ang malaking proven oil reserves ng Venezuela na tinatayang nasa 296.5 billion barrels (20% ng reserba ng buong mundo) ang motibo ng sinumang global power na gustong impluwensiyahan o kontrolin ang pamahalaan ng Venezuela.
Ito ang maaring dahilan kung bakit itinakwil ng Smartmatic ang resulta ng kanilang sariling mga makina. Sumunod lamang ito sa dikta ng kanilang totoong amo. Matatandaan na sa expose ni Sen. Vicente Sotto III, lumalabas mula sa log files ng DNS server na may nakialam sa ating halalan bago pa man magsimula, sa araw mismo ng botohan at kahit pa tapos na ang halalan. Ang user na si E360SYNC (walang ibang suspek kundi si Smartmatic din) ay gumawa ng “tunnel” upang dumaloy ang impormasyon mula sa ating election server papunta sa isang cloud computing service sa amazonaws.com. Ito ay nakabase sa Seattle, Washington, US.
Anong meron sa Washington State? Ang Department of Licensing (DOL) ng Washington State ay natuklasang nag-iisue sa loob ng tatlong dekada ng mga pekeng driver’s licenses para sa mga law enforcement agencies upang makapagsagawa ng undercover operations. Napag-alamang nag-issue ang DOL ng 288 pekeng driver’s licenses sa mga operatiba ng CIA. Ang CIA ang ahensyang pinakamaraming pekeng lisensya ang na-issue ng DOL.
Napakasekreto ng operasyong ito na kahit ang state attorney general at state governor ay walang alam tungkol dito. Kung ganito ang ginagawa ng mga otoridad ng Washington State, kung saan bahagi ang Seattle, sa pakikipagkunchabahan sa CIA, gaano kaligtas ang ating election infrastructure at election data kung ito ay dumaloy at nakasave sa cloud na nakareshistro sa Washington State?
Source: Atty. Glenn Chong FB Page

0 comments:
Post a Comment